Thursday, 4 April 2019

ANO NGA BA ANG PAG-IBIG?
     Ang pag-ibig ay isang malawak na aspeto kung saan maaari mong ipahayag ang iyong nararamdaman sa paraang alam mo. Maaari kang magmahal ng tao na sa tingin mo ay karapat-dapat sa pagmamahal mo. Sa buhay pag-ibig iba-iba ang maaari nating maramdaman tulad ng saya, kalungkutan o kaya naman ay kalituhan dahil may mga katanungang hinahanap parin natin ang mga kasagutan. Ang pag-ibig ay parang sugal dahil kailangan mong tumaya kahit walang kasiguraduhan upang malaman natin ang kasagutan. Kailangan din natin ng sapat na lakas ng loob pagdating sa pag-ibig. Lagi nating tatandaan na sa buhay pag-ibig ay dalawa lang ang kinahahatnan ang lumigaya at ang masaktan, kaya huwag umasa, huwag magpaasa upang maiwasan na masaktan at nang may masaktan.


KATANGIAN NG TAONG NAGMAMAHAL
      Kapag tayo ay nagmamahal nagiging selfless tayo. Hindi na natin naiisip yung sarili natin. Kung masaya pa ba tayo o kung ayos pa ba tayo. Basta mabigay lang natin ang kagustuhan ng ating minamahal ayos na din tayo. Minsan nga kahit hindi kana masaya eh. Basta't alam mong para sa ikakasaya at ikakabuti niya yun kahit gaano kakomplikado gagawin mo. 

IBAT-IBANG URI NG PAG-IBIG
Resulta ng larawan para sa family pictures

Storge

Ito'y pagmamahal sa pagitan ng ating mga mahal sa buhay, magulang at mga kapatid, kapamilya na naging dahilan ng ating pagkabuhay sa mundo at lumikha ng malalaking impluwensiya sa ating mga buhay. Ito ang pag-ibig na iniuukol sa isang tao sa kanyang pamilya o kamag-anak

Resulta ng larawan para sa friends pictures

Philia
Pagmamahal sa pagitan ng mga magkakaibigan, ito ay pagmamahal na ipinaparamdam ng mga magkakaibigan sa isa't-isa na may iisang layunin sa buhay. Ito ang pag-ibig na nauuko sa kaibigan.



Resulta ng larawan para sa boyfriend picture
Eros

Dito pumapasok yung pagmamahal natin sa mga taong naging parte na ng ating mga buhay, mga taong nakilala nating minsan na ngayo'y di na natin kaya pang mabuhay ng wala sila. Ito'y tumutukoy sa pagmamahal ng babae sa isang lalake, at gayon din naman ang lalake sa isang babae. Pag-ibig na kinapapalooban ng pisikal na atraksyon sa opposite sex.

Resulta ng larawan para sa jesus christ



Agape
Ang pinakamataas na uri ng pag-ibig. Pag-ibig na walang hinihintay na kapalit, di alintana ang hirap. Ito'y ipinaparamdam ng ating mahal na Panginoon at tanging siya lang ang wagas na makakapagbigay nito. Sa pag-ibig na ito, ang isang tao ay handang magsakripisyo o limutin ang sarili para sa minamahal.



ANO-ANO ANG MADALAS NA DAHILAN BAKIT NASASAKTAN SA PAGMAMAHAL?
         Lahat ng bagay sa mundo ay may kanya-kanyang kadahilanan. Lalong lalo na kung ito ay tungkol sa pag-ibig. Dahil kapag umibig ka dapat handa kang masaktan, handa kang ibigay lahat. Tiwala, pagmamahal, respeto, oras at iba pa. Ngunit bakit ba tayo nasasaktan? Dahil ba nagmahal tayo? Eh bakit pa tayo nagmahal kung alam naman nating masasaktan lang tayo?

1. LABIS NA PAGBIBIGAY NG PAGMAMAHAL- Buong buo at walang tapon kung magmahal. Kumbaga nabubulag sa pag-ibig. Hindi na nakakapag-isip ng maayos. Kaya kapag nasaktan buong buo din yung sakit.
2. WALA NG TINITIRANG PAGMAMAHAL PARA SA SARILI- Sana kung nagtira ka para sa sarili mo kahit ilang porsyento hindi ganyan yung sakit yung maidudulot sayo.
3. UMAASA- Minsan kasi hindi din tama na maging assuming sa mga bawat bagay. Umaasa ka lang pala sa wala. Umaasa tayo sa mga bagay na wala naman pala talaga.

4. DAHIL SA MGA PAFALL- Yung tipong pinakilig ka lang pero hindi ka inibig. Yung para ka lang pinasakay sa ferris wheel yung tipong nagenjoy ka pero pinaikot ka lang pala. Hindi ka naman pala sasaluhin sa huli.

5. MANLOLOKO- Malalaman mo naman yan kung niloloko ka lang niya o hindi eh. Minsan kasi alam mo ng niloloko kana pero dahil mahal mo ikaw mismo sa sarili mo ipipilit na "hindi hindi ako niloloko nun mahal ako nun eh." Niloko na nga tayo, niloko pa din natin sarili natin. Pinagmukha ka ng tanga, minahal mo pa.

       Naranasan mo na ba yung tipong wala ka ng maiyak?  Yung kahit matulog ka, kinabukasan ganun nanaman. Ibig sabihin yung sakit na yun ay nanggagaling talaga sa puso mo dahil nagmamahal ka. Minsan nga may nabubuo tayong tanong sa ating isipan eh. gaya na lamang ng "bakit kailangan kong maranasan lahat ng ito?" Lahat ng nagmamahal nasasaktan. Tandaan natin yan. Di tayo makakalusot, di tayo makakaiwas. Masasaktan at masasaktan talaga tayo. "Sana sinusulat na lang 'yung nararamdaman eh para madali lang burahin pag nasaktan tayo".


       
        



ANO NGA BA ANG PAG-IBIG?      Ang pag-ibig ay isang malawak na aspeto kung saan maaari mong ipahayag ang iyong nararamdaman sa paraang ala...